April 26, 2010 - Monday
Habang nagco-computer ako biglang nag-ring ang phone ko, si julian nagtext pauwi na daw siya. Ganun naman lagi kapag galing siya sa work at pauwi na, nagtetext siya kapag aalis ng bahay sa umaga papuntang work at pag-uwi ganun din - routine na namin yun. Pero kanina kakaiba, kasi kapag pauwi siya pagdating na niya sa bahay siya magte-text, pero kanina hindi ganun. Nagtext kami ng matagal, happy kasi lambingan sa phone kahit nagwo-work siya knina haha! Pero ito yung text message niya na sobrang na-touch ako....
"mas mahal kita ngayon kaysa kahapon pero mas mamahalin pa kita bukas"
Naiyak ako dito, sabi ko na-touch ako tpos sabi niya kasi daw sinabi ko na parang nagbago na siya pero mali ako, walang nagbago sa pagmamahal na yun. Masaya ko kasi habang tumatagal tumitibay kami, mas minamahal namin yung isa't isa at walang nagsasawa. Buti na lang hindi pa rin siya nagbabago... <3
No comments:
Post a Comment