
SATURDAY - MAY 01,2010
Puyat ako ng araw na to kasi nag-overnight swimming kami ng mga pinsan ko. Tanghali na ako nagising, pero una ko agad naisip si honey ko. Nakakatampo kasi nung gabi di niya ako tine-text and hanggang hapon. Sobrang galit na ko nung time na yun kasi feeling ko naaagaw na naman siya ng work niya sakin. Nag-away na kami, sinasabi niya na wag na ako magtampo pero sobrang galit ako dahil madami ako dapat i-kwento pero wala siya para makinig sakin. Kaya napuno na ko, sabi ko huwag niya ko itete-text at tatawagan, sinabi ko rin na huwag na siya pumunta bukas dito samin dahil galit na galit na ako.
SUNDAY - MAY 02,2010
After ng samba, hinintay ko kung may dadating at kung may mag-tetext. Nilakasan ko na yung tone ng phone ko para kapag nag-text siya marinig ko agad. Pero walang nag-text, walang dumating 3:00 pm na pero wala pa siya, so hindi na ako umasa na dadating siya. Lalo ako nagalit kasi maghapon siyang hindi nag-text, sumakit yung dibdib ko and nilalagnat pa ko kaya nagpahinga muna ko at ni-relax ko sarili ko pero hindi pa rin nawawala yung sakit sobra. Tumawag na siya mga 9:45pm para sa panata namin pero after nun ibinaba ko agad yung phone dahil di man lang niya nagawang mag-sorry. Nag-text siya na bati na daw kami kasi miss niya na ako pero galit na galit talaga ko - natulog na lang ako ng masama loob sakanya :(
MONDAY - MAY 03,2010
Masama yung pakiramdam ko, kaya mahimbing tulog ko. Nag-ring yung phone ko at nagising ako. Si honey yung tumawag, pero galit pa din ako.
HONEY: Wag ka na magtampo.Magbihis ka na.
ME: Bkit?
HONEY: magbihis ka na. Pupunta kami ni nanay jan.
ME: ANOOOOOO?????? (gulat)
HONEY: Pupunta kami ni nanay jan.
OH MY GOSH! di ko alam gagawin ko kanina. Nataranta ako!
Andito na sila, whew! Akala tuloy ng mga lola ko at tito ko mamamanhikan na sila (haha) pero ganun din yung akala ko (assuming) matagal pa yun hihi :)
ME: Oh bakit ka naka-yellow?
HONEY: e gusto ko e ...
ME: (naks naman soulmate haha!)
Papunta kami ng tagaytay para magpa-spa. Isang masayang experience with his mom and sister. We tried the "MAGSING-IROG MASSAGE" haha bagay na bagay sabi nga ni leann (sister niya). Kinikilig si Leann, obvious un pati siguro si nanay. Nakakatuwa kasi kahit nate-tense ako pag kaharap ko si nanay nwawala yun pag nag-ssmile siya sakin.
Ang cute namin na couple haha! Ang sweet pa namin (inggit kayo :P) peace hihi...
Then sabi niya bati na daw kami. Weeee miss na miss ko siya kaya nagbati na kami. Imagine 2days kami na war. Ayoko na maulit yun. At wag na sana maulit yun.
I LOVE SURPRISES NA. thanks HONEY :) ILOVEYOU MY HAPPINESS.
No comments:
Post a Comment